LAGPAS LANGIT

Music and Lyric: Rica Arambulo


IKAW ANG HIMIG

DALA NG HANGIN

BUMUBULONG SA AKIN

IKAW ANG TUBIG

PINAPAWI, AKING PANANABIK

IKAW ANG APOY

SUMISIKLAB DITO SA ‘KING DIBDIB

AKO’Y IYONG-IYO MAGMULA NGAYON


IKAW ANG SINAG NG ARAW

TUMATAGOS SA ‘KING BINTANA

PATAK NG ULAN

PINASISIGLA, DAHONG NALALANTA

TINIG MO LANG ANG IBIG KONG MARINIG

AKO’Y IYONG-IYO MAGMULA NGAYON

LAGPAS LANGIT

KAKAIBA ANG MGA KULAY

AT DAMANG-DAMA ANG LAHAT

PAG NAKAPILING KA

IKAW ANG LAMAN NG PUSONG ITO

ARAW, GABI, MAGHAPON

‘PAG NARITO KA, HAPDI AT LUHA,

PARANG TUMILA NA

KULANG ANG ORAS, MGA SANDALI,

PARANG LUMILIPAD

KAY SARAP NAMANG IKA’Y MAKAPILING

IKAW ANG TANGING SAGOT SA TANONG

GUMUGULO SA ISIP

NANG IBIGKAS ANG IYONG PANGALAN

AKO’Y NAPANGITI

ITO’Y PAULIT-ULIT KONG SASABIHIN

KAY SARAP NAMANG IKA’Y MAKAPILING

LAGPAS LANGIT

KAKAIBA ANG MGA KULAY

AT DAMANG-DAMA ANG LAHAT

‘PAG NAKAPILING KA